Hinihikayat ng ilang mga talata sa Bibliya ang mga tao na lumayo o umiwas sa pag-inom ng alak (Levitico 10:9; Bilang 6:3; Deuteronomio 14:26; 29: 6; Hukom 13:4, 7, 14; 1 Samuel 1:15; Kawikaan 20:1; 31:4, 6; Isaias 5:11, 22; 24:9; 28:7; 29: 9; 56:12; Mikas 2:11; Lucas 1:15). Gayunman, hindi kinakailangang pagbawalan ang isang Kristiyano na uminom ng serbesa, alak, o ano pa mang uri ng inumin na may alkohol. Subalit inuutusang umiwas sa pagpapakalasing o pagpapakalango sa alak ang mga Kristiyano (Efeso 5:18). Hinahatulan ng Bibliya ang pagpapakalasing at ang masamang epekto nito (Kawikaan 23:29-35). Inuutusan din ang mga Kristiyano na huwag pahintulutang ipaalipin sa anumang bagay kanilang mga katawan (1 Corinto 6:12; 2 Pedro 2:19).
Commenting disabled.